Ligaw

Ligaw Album Cover

Available Now!

Preview:

Acoustic Version available here

Lyrics

Pagpasensyahan mo na, unang subukan
Halata bang di alam ang ginagawa
Pagpasensyahan mo na, ako’y nahihiya
Halata bang dibdib ko ay puno ng kaba

Ito na, sa wakas nagsalita na ,
Pero di alam kung anong pag uusapan

Pagpasensyahan mo na, kung nacocornyhan
Gusto ko lang kasi na mapangiti kita
Pagpasensyahan mo na, kung mukha akong tanga
Nawala kasi bigla sa iyong mata

Di kasi mapigilan ang kilig
Kapag kasama kita, ikaw kasi ang panaginip

Nag-iibang ugali, biglang tahimik
Kahit gustong isigaw
Para ngang panaginip, nag kukunwari
Na di puno ng sigla
Ang mga puso natin, gustong aminin
Sa isa’t isa
Kaya pansamantalang idadaan sa ligaw

Pwede bang aminin ko, may gusto ako sa 'yo
Noon pa, ngayon lang nag karoon ng lakas ng loob
Lahat gagawin para sa 'yo, para puso’y mapatibok
Sana balang araw makukuha ang iyong sagot

Eh kasi, parang wala tayong katabi
Hindi bumibitiw sa isa’t isa ang titig

Nag-iibang ugali, biglang tahimik
Kahit gustong isigaw
Para ngang panaginip, nag kukunwari
Na di puno ng sigla
Ang mga puso natin, gustong aminin
Sa isa’t isa
Kaya pansamantalang idadaan sa...

Ligaw na ligaw ang isip tuwing hindi kasama ka
Kailan kaya mapapaos ang puso sa pagkakasisigaw
Ng pangalan mo, ng pangalan mo
Kahit saan man mapadpad handang handa gawin ang lahat

Kaya pagpasensyahan mo na
Pagpasensyahan mo na

Nag-iibang ugali, biglang tahimik
Kahit gustong isigaw
Para ngang panaginip, nag kukunwari
Na di puno ng sigla
Ang mga puso natin, gustong aminin
Sa isa’t isa
Kaya pansamantalang

Nag-iibang ugali, biglang tahimik
Kahit gustong isigaw
Para ngang panaginip, nag kukunwari
Na di puno ng sigla
Ang mga puso natin, gustong aminin
Sa isa’t isa
Kaya pansamantalang, kaya pansamantalang
Kaya pansamantalang idadaan sa ligaw

Sa ligaw
Sa ligaw