Napadaan Lang

NL Album Cover

Available Now!

Preview:

Other Versions:

Lyrics

Noong una kang makita
Kumulay at sumigla ang buhay
Di ata makapaniwala
Isang ngiti mo lang ‘ko’y nahulog agad-agad sa’yo

Noong gabi na yon, lahat nagbago
Nagsimula ang ating kuwento
Lumipas man ang taon, noon o ngayon,
Ipagyayabang ka sa buong mundo

Doon na nagsimula ang lahat noong napadaan ka, napadaan ka, napadaan ka
Ako’y agad nahulog sa iyo noong napadaan ka, napadaan ka, napadaan ka
Iba ang naramdaman,
“Napadaan lang ako” ang sabi niya
Kaya laging nagpapasalamat sa Dyos na napadaan ka

Laging iniisip, chansa ay maliit.
Sa dina-dinaming tao
Ikaw ang napili ng tadhana ilapit.
Nais ibahagi
Ang nilalaman ng puso ko noong gabi kaso

Di maintindihan ang naramdaman,
Bigla na lang akong kinabahan
Kaya pagpasensyahan, ako’y naakit lang
Noong una pa kitang nasulyapan