Paano

Paano Album Cover

Available Now!

Preview:

Lyrics

Hindi ko alam kung paano bibitawan
Ang alaala, mga ngiti at kasiyahan
Kung sana, ikaw ay naging matibay
Para sa atin, ang puso ko di nabiyak

Pagmamahal mo, noon pala naglaho
Damdamin sa iba, nagawa mo pang itago
Sana, noon pa sinabi sa akin
Siguro, ngayon di nagtatanong

Paano na ang mga naranasan?
Paano na ang mga kinabukasan?
Paano na ang pangarap, at mga pangako sayo?
Paano na ang puso, paano na ako?

Walang pagasa, ang sakit pa rin isipin
Kahit mahirap, kailangan nang aminin
Ngiti mo, na dati’y nakalaan sa akin
Ngayon ay liwanag sa araw ng iba

At araw araw, dati ikaw ay kakwentuhan
Biglang natigil ang mga nakasanayan
Mahirap parin, lalo pag gabi
Tuwing iniisip ang mga tanong

Paano na ang mga naranasan?
Paano na ang mga kinabukasan?
Paano na ang pangarap, at mga pangako sayo?
Paano na ang puso, paano na ako?

Paano na ang mga naranasan?
Paano na ang mga kinabukasan?
Paano na ang pangarap, at mga pangako sayo?
Paano na ang puso, paano na ako?
Paano na ang puso, paano na ako